Carlos Cámara
Carlos Cámara | |
---|---|
Kapanganakan | 9 Enero 1934
|
Kamatayan | 24 Pebrero 2016
|
Mamamayan | Mehiko |
Trabaho | artista, artista sa telebisyon, artista sa pelikula, artista sa teatro |
Si Carlos Cámara (9 Enero 1934 – 24 Pebrero 2016) ay isang artista sa Mehiko na ipinanganak sa Republikang Dominika.
Talambuhay[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mula si Cámara sa pamilya ng mga artista. Ang kanyang ina ay isang artistang Kastila na si Lolita Lázaro, habang ang kanyang ama ay isang Amerikano na nakatira sa Puerto Rico. Isang mananayaw naman ang kanyang kapatid na si Francisco.[1]
Lumipat siya sa Mehiko noong huling bahagi ng dekada 1960, kung saan lumabas siya sa telebisyon, pelikula at teatro. Gumanap siya kadalasan bilang kontrabida.[1]
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]
- ↑ 1.0 1.1 www2.esmas.com. "Carlos Cámara" (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2020-02-27. Nakuha noong 2020-02-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: unrecognized language (link)