Rico J. Puno
Rico J. Puno | |
---|---|
Kabatiran | |
Pangalan noong ipinanganak | Enrico de Jesus Puno |
Kapanganakan | 13 Pebrero 1953 Maynila, Pilipinas |
Kamatayan | 30 Oktobre 2018 Taguig | (edad 65)
Genre | Manila sound |
Taong aktibo | 1975–2018 |
Si Enrico de Jesus Puno (13 Pebrero 1953 – 30 Oktubre 2018), mas kilala bilang Rico J. Puno, ay isang sikat na Pilipinong artista at mang-aawit ng musikang pop na kinikilala bilang tagapanimula-at-tagapagtaguyod ng mga orihinal na musikang Pilipino. Siya ang nagsimula ng gawi sa pagkahahalo ng mga panitik na Tagalog sa kaniyang rendisyon ng Amerikanong awiting The Way We Were at iba pang mga banyagang awitin. Kilala rin bilang Rico J. at bilang The Total Entertainer, isang manganganta si Puno na palagiang sinasaliwan ng kaniyang mga pagtatanghal ng pagpapatawa at mga biro.[1] Madalas din siyang masabit sa mga biro nyang may halong kautogan, sikat din siyang tirador ng mga babae nung kabataan.[kailangan ng sanggunian] Kung kanta ang pag uusapan at pag awit, tatak pinoy na siya na di na mabubura ng kasaysayan.
Sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]
- ↑ Rico J. Puno, Caroustar of the Month, Carousel Pinoy Entertainment, CarouselPinoy.com, Disyembre 2004 Naka-arkibo 2009-02-01 sa Wayback Machine., nakuha: 17 Hulyo 2007
Silipin din[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.